May 21, 2026

Home BALITA

Tsunami warning, itinaas sa 7 lalawigan sa Visayas at Mindanao

Tsunami warning, itinaas sa 7 lalawigan sa Visayas at Mindanao

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang tsunami warning sa pitong mga lalawigan mula sa Visayas at Mindanao, kasunod ng pagtama ng magnitude 7.5 na lindol sa Davao Oriental nitong Biyernes, Oktubre 10, 2025.

Ayon sa Phivolcs, pinag-iingat nila ang mga residenteng malapit sa coastal areas at inaabisuhan ng agarang paglikas bunsod ng nasabing banta sa tsunami sa:

Eastern Samar

Dinagat Islands

Davao Oriental

‘Ang healthcare ay hindi lang propesyon!’ 2 nurse, tinulungan manganak isang ginang sa kalsada

Southern Leyte

Surigao Del Norte

Leyte

Surigao Del Sur

"Based on the local tsunami scenario database, it is expected to experience wave heights of more than one meter above the normal tides and may be higher on enclosed bays and straits," anang Phivolcs.

Dagdag pa nila, "It is forecasted that the first tsunami waves will arrive between 09:43:54 to 11:43:54, 10 Oct 2025 (PST). These waves may continue for hours."

KAUGNAY NA BALITA: Phivolcs, ibinaba sa magnitude 7.5 ang lindol sa Davao Oriental