May 22, 2026

Home BALITA National

Tsunami warning sa 7 probinsya sa VisMin, kanselado na!

Tsunami warning sa 7 probinsya sa VisMin, kanselado na!

Binawi na ng PHIVOLCS ang tsunami warning sa pitong probinsya sa Visayas at Mindanao, kasunod ng pagtama ng magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental nitong Biyernes, Oktubre 10, 2025.

Maki-Balita: Phivolcs, ibinaba pa sa magnitude 7.4 ang nangyaring lindol sa Davao Oriental

Sa tsunami warning na inilabas ng ahensya, pinag-iingat nila ang mga residenteng malapit sa coastal areas at inaabisuhan ng agarang paglikas bunsod ng nasabing banta sa tsunami sa Eastern Samar, Dinagat Islands, Davao Oriental, Southern Leyte, Surigao Del Norte, Leyte, at Surigao Del Sur.

Maki-Balita: Tsunami warning, itinaas sa 7 lalawigan sa Visayas at Mindanao

Samantala, nitong Biyernes ng tanghali, kinansela na ng PHIVOLCS ang tsunami warning sa mga naturang probinsya.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Gayunpaman, may naitala tsunami wave na may taas na 30 centimeters kaninang 10:20 ng umaga base sa Tandag Surigao Del Sur Sea level Monitoring Station for Tsunami Detection (TSTP).

"With this, any effects due to the tsunami warning have largely passed and therefore DOST-PHIVOLCS has now cancelled all Tsunami Warnings issued for this event," anang ahensya. "This will be the final tsunami information issued for this event."