December 15, 2025

Home SHOWBIZ

Kakie Pangilinan, susundan yapak ng ama sa politika?

Kakie Pangilinan, susundan yapak ng ama sa politika?
Photo Courtesy: Kiko Pangilinan (IG) via GMA Entertainment

Hindi naiwasang makita ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda na politika rin ang direksyong tatahakin ni Kakie Pangilinan tulad sa ama nitong si Senador Kiko Pangilinan.

Sa latest episode ng “Fast Talk” kamaikailan, binalikan ni Boy ang pagsisilbi ni Kiko bilang chairperson ng UP Diliman Student Council noong nag-aaral pa lamang.

“And you're starting to sound, you know, like a student leader early on your Twitter,” saad ni Boy. “Sabi ko, si Kakie parang leaning towards [politics]. Wala ka talagang balak?”

“No po,” sagot ni Kakie. “And I think that’s why I think honestly this part. ‘Cause I understood suddenly na gano’n pala ang mga tao, actually.”

Relasyon at Hiwalayan

Aljur, pinag-ingat si Kylie sa mga magiging manliligaw

“Tuwing nagiging politically involved, ibig sabihin, may ambisyon or something like that,” pagpapatuloy niya. “And I never was that kind of person.”

Dagdag pa ni Kakie, “I never was that kind of person, which I think, you know, will help sort of recontextualize a lot of where it comes from. It’s not all somebody trying to make pasikat or like, you know, sort of grab, like, attention in that way in terms of wanting to be a political figure.”

Ayon sa kaniya, nagmumula umano ang paghihimutok niya sa mga isyu ng Pilipinas bilang isang mamamayan nito na naghahangad ng pagbabago at hindi bilang anak ng kung sinoman.

At kahit anak siya ng senador, sinabi ni Kakie na nakikipagtalo rin daw siya sa kaniyang ama kahit nakikita ng publiko na dinedepensahan niya ito kapag pinuputakti ng batikos.

“Kami po ni Dad, most often we’re the ones who argue at home, which is why I think tuwing dine-defend ko po daddy ko, hindi po siya blind defense, loyalty, whatever,” lahad ni Kakie.

MAKI-BALITA: Kahit dinedepensahan ang ama sa publiko: Kakie, nakikipag-argumento rin kay Kiko

Matatandaang kilala si Kakie sa pagbibigay niya ng opinyon sa politika at lipunan. 

In fact, sa isang panayam matapos ang 2022 presidential elections, tahasan niyang inihayag na hindi raw niya kikilalaning pangulo ang noo’y nagwaging si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

"Sabi ng iba na we have to accept defeat daw na hindi tayo marunong matalo. I think that the truth is, it's not just about this election anymore… I'm not going to have my president be named Marcos again! Ever!” aniya.

Dagdag pa ni Kakie, “We all know what's right and wrong. If we are not here to stand up, if we are not here to fight, eh ano pa ang ginagawa natin dito sa Pinas?"

Dahil dito, binuweltahan tuloy siya at hinamon ng sumikat na panelista sa SMNI debates at UP professor na si Prof. Clarita Carlos na pangatwiranan ang tindig niyang ito.

MAKI-BALITA: Kakie Pangilinan, di raw kikilalanin si BBM bilang pangulo; Prof. Clarita Carlos, nagbigay ng hamon