December 13, 2025

Home BALITA National

Usec. Castro sa hindi pagdalo ni VP Sara sa SONA: 'Hindi na kasalanan ng Palasyo'

Usec. Castro sa hindi pagdalo ni VP Sara sa SONA: 'Hindi na kasalanan ng Palasyo'
photo courtesy: MB file photo, PCO screenshot

Choice raw ni Vice President Sara Duterte kung hindi raw ito dadalo sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro. 

Sa isang press briefing nitong Biyernes, Hunyo 20, sinabi ni Castro na hindi na kasalanan kasalanan ng Palasyo ang anumang desisyon ng bise presidente kaugnay sa SONA.

“Last year hindi rin naman din po siya dumating. At sa ating pagkakaalam, siya po ay um-attend sa isang kasalan. So, kung hindi po siya a-attend ngayon kahit siya po ay inimbita bilang bise presidente, again, choice niya po iyon," saad ng Palace press officer.

Dagdag pa niya, “At kung hindi niya po maririnig ang mga programa at kung ano po ang naging trabaho ng gobyerno at ni Pangulong Marcos Jr., hindi na po siguro natin kasalanan iyon; it’s her choice."

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Nitong Huwebes, Hunyo 19, sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco na nakatanggap sila ng liham mula sa tanggapan ni Duterte kung saan nakalahad na hindi dadalo ang bise presidente sa SONA sa Hulyo 28.

BASAHIN: Pangalawang beses na! VP Sara, hindi ulit dadalo sa SONA ni PBBM