Binawi na ng House quad-committee ang detention laban kay dating city police chief Hector Grijaldo.
Ayon sa ulat nitong Lunes, Hunyo 9, pinahintulutan na rin ng quad-comm ang mosyon para bawiin ang contempt orders laban kay Grijaldo at SPO4 Art Narsolis.
Gayundin ang kay Michael Yang at sa mag-asawang Harry at Mylah Roque.
Ang quad-comm ang nakatalaga sa imbestigasyon kaugnay sa ilegal na droga, Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), at extrajudicial killings (EJK).
Matatandaang dalawang beses pina-cite in contempt ng quad-comm si Grijaldo dahil iginigiit niya ang kaniyang “right against self-incrimination” matapos tanungin tungkol sa reward system sa kasagsagan ng madugong giyera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.