Nagbigay ng pahayag si human rights lawyer at ML Party-list 3rd nominee Atty. Erin Tañada kaugnay sa pahayag ni Deputy Speaker Jayjay Suarez na opisyal na umanong bahagi ng “super majority” ang Liberal Party (LP).
Sa isang episode ng “Morning Matters” noong Martes, Mayo 27, pinabulaanan ni Tañada ang sinabi ni Suarez.
Aniya, “We were surprised by the statement of Deputy Speaker Jayjay Suarez because in our last meeting, it was agreed by the incoming members of the 20th Congress to table the matter for further discussions, that’s number one.”
“And number two, to await also the return of Senator-elect Kiko Pangilinan from the United States [...] We would want to consult him on this matter on how in the Senate the Liberal Party would position itself,” dugtong pa ni Tañada.
Matatandaang hindi nakadalo si Pangilinan sa proclamation ceremony ng mga nagwaging senador noong Mayo 17 dahil tumungo siya sa US para sa graduation ng anak niyang si Frankie.
MAKI-BALITA: Kiko Pangilinan, hindi nakadalo sa proklamasyon; nasa US para sa graduation ni Frankie
Kaya sa ngayon, hindi pa umano masagot ni Tañada ang posibilidad na mapabilang ang LP sa super majority dahil may mga prinsipyo ang mga miyembro ng naturang partido na kailangang isaalang-alang.