May 16, 2025

Home BALITA

Driver na nanagasa sa NAIA, laya na matapos makapagpiyansa

Driver na nanagasa sa NAIA, laya na matapos makapagpiyansa
Photo courtesy: Contributed photo, Philippine Red Cross/FB

Nakalaya na ang 47 taong gulang na driver ng SUV na siyang nang-araro sa departure area ng sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na ikinasawi ng dalawang katao noong Mayo 4, 2025.

Ayon sa mga ulat, pinayagan ng Pasay City Regional Trial Court na makapagpiyansa ang naturang driver ng tinatayang ₱100,000, dahilan upang siya ay makalaya.

Matatandaang nahaharap sa mga reklamong reckless imprudence resulting in double homicide, multiple serious physical injuries at damage to property ang naturang suspek matapos masawi ang isang apat na taong gulang na batang babae at isang 29-anyos na lalaki.

Kabilang naman sa mga sugatan ang lola at ina ng batang biktima na noo’y inihatid lamang daw nila ang amang amang Overseas Filipino Worker (OFW). Habang napag-alamang papunta naman sa Dubai para sa isang business trip ang lalaking nasawi.

Eleksyon

Matapos manalong alkalde: Kerwin Espinosa, binasa Local Government Code ng PH

KAUGNAY NA BALITA: SUV, inararo departure entrance sa NAIA; driver, timbog!

KAUGNAY NA BALITA: 'Maghahatid lang:' Ama ng nasawing bata sa NAIA, OFW na paalis na ng bansa

Samantala, sa hiwalay na panayam ng media sa ama ng batang biktima, nauna na niyang sabihing wala raw kapatawaran ang nangyari sa kaniyang anak.

“Walang kapatawaran ang ginawa mo sa aking asawa lalo na sa aking anak na nawalan ng buhay. Ikaw, nakakakain ka pa, ang anak ko wala na… kaya ‘yong kasalanan mo, walang kapatawaran ‘yan, tandaan mo ‘yan. Korte na lang ang bahala sa’yo,” anang ama ng bitima.

KAUGNAY NA BALITA: Tatay sa nanagasa sa anak niya sa NAIA: 'Mabulok sa kulungan!'