Nagbigay ng pananaw ang political strategist na si Alan German kaugnay sa mga isyung dapat umanong pag-usapan ng mga kumakandidato sa lokal na lebel ng pamahalaan ngayong 2025 midterm elections.
Sa latest episode ng “Morning Matters with Gretchen Ho” nitong Biyernes, Marso 28, tinanong ni Gretchen si German kung dapat bang iwasan ng mga kandidato sa lokal na lebel ang mga pambansang isyu tulad ng nangyayari sa The Hague, Netherlands.
Ayon kay German, “On the local level, ang kailangan talaga ang touch point mo, lokal. So, you identify micro to macro. Ano ba ‘yong mga problema per barangay? Sa barangay one, ang problema dito ‘yong tubig. Sa barangay two, ‘yong ilaw. Madilim dito…and so on and so forth.”
“So traditionally,” pagpapatuloy niya, “local candidates wouldn’t necessarily want to talk about issues of macro important. They would focus more on micro, I would think, especially under this scenario.”
Dagdag pa ni German, “‘Yong ICC, ‘yong sovereignty, ‘yong jurisdiction ng ICC, parang medyo malayo ‘yan sa bituka if you’re talking on a local level. Kasi ang hinahanap talaga nila, ayon sa latest data…’yon lang talaga. Health, education, livelihood, peace and order, social services.”
Nakatakda ngayong araw, Marso 28, ang simula ng campaign period mula sa mga kandidato mula congressman hanggang councilor.