February 23, 2025

Home BALITA

DepEd, iniimbestigahan 'ghost students' sa ilalim ng SHS Voucher Program

DepEd, iniimbestigahan 'ghost students' sa ilalim ng SHS Voucher Program
Photo Courtesy: Sonny Angara (FB), via Manila Bulletin

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na nagsasagawa sila ng imbestigasyon sa labindalawang pribadong eskwelahan kaugnay sa alegasyon na may mga “ghost students” umanong nakakatanggap ng Senior High School Voucher Program (SHS VP).

Sa pahayag ni DepEd Secretary Sonny Angara noong Lunes, Pebrero 17, sinabi niyang hindi nila pahihintulutan ang “misuse of public funds.”

“We take these allegations seriously,” saad ni Angara. “Any form of misuse of public funds intended for critical education programs will not be tolerated.” 

Dagdag pa niya, “This investigation is a necessary step as we pursue the truth and hold accountable those responsible.”

Maglola patay matapos maanod sa imburnal

Kaugnay nito, nakatakda umanong tanggalan ng DepEd ng SHS Voucher Program’s accreditation ang mga paaralang mapapatunayang may “ghost students.”

Sa kasalukuyan, pinag–aaralan na umano ng ahensya ang administrative at criminal sanctions na maaaring isampa sa mga sangkot na personalidad sa nasabing kaso.