Inatras ni Doc. Willie Ong ang kaniyang kandidatura sa pagkasenador para sa 2025 midterm elections.
Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Pebrero 13, sinabi ni Ong na opisyal niyang binabawi ang kaniyang kandidatura upang pagtuunan daw ang kaniyang kalusugan.
“I am officially withdrawing my candidacy for the 2025 elections. So I can focus more on taking care of my health,” ani Ong.
“I sincerely thank all the people who supported me and prayed for me. I will continue to support good governance and the candidates who espouse the same ideals as mine.”
“Our advocacy to help the poor Filipinos continues even in my private capacity. Thank you for your understanding. God bless you all,” saad pa niya.
Matatandaang noong Oktubre 3, 2024 nang ihain ang certificate of candidacy (COC) ni Ong sa pagkasenador sa pamamagitan ng kaniyang asawang si Doc. Liza Ong, dahil nasa Singapore daw siya nang mga panahong iyon para sa pagpapagamot sa sakit niyang sarcoma cancer.
BASAHIN: Willie Ong, naghain na ng COC sa pagkasenador para sa 2025 midterm elections
Noong Setyembre 2024 nang isiwalat ni Ong na na-diagnose siya sa nasabing sakit.