Inilunsad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang podcast na naglalayon umanong malabanan or labanan ang patuloy na paglala ng misinformation sa bansa.
Ayon kay NBI Director Angelito Magno, pinamagatang “Truth Matters” ang nasabing podcast.
“This podcast is a strategic communication platform to strengthen public trust. In the midst of misinformation and fake news, it allows us to talk responsibly and factually, with proper context,” paliwanag ni Magno.
Makakatulong din daw ito upang magkaroon ng engagement ang publiko sa mas makatotohanang talakayan.
“Safeguarding the public also means engaging with them, creating a space where truth can be explained, concerns can be heard, and trust can be built,” saad ni Magno.
Inaasahang magkakaroon ng l hanggang 10 episode per season ang nasabing podcast na nakatakdang iere sa YouTube, Facebook at TikTok.
Kabilang din sa mga magiging sentro ng talakayan ay ang cybercrime awareness, proseso ng NBI clearance at iba pa.
Inaasahang mailalabas na ngayong Pebrero ang first four episodes ng nasabing podcast.
“We can inform, we can educate, and we can also listen to our public,” pahabol pa ni Magno.