February 11, 2026

Home BALITA Probinsya

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!
Photo courtesy: Philippine Coast Guard (FB)

Binanggit ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi pa rin nila matukoy ang kabuoang bilang ng mga nawawalang pasahero at crew ng lumubog na MV Trisha Kerstin 3 sa kabila ng pitong araw nang nagpapatuloy na “search and rescue” operations nila rito. 

Sa panayam ng media kay PCG Spokesperson, Captain Noemie Cayabyab PCG nitong Lunes, Pebrero 2, ibinahagi niyang kasalukuyan pa silang nakikipagtulungan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDDRMO) para sa patuloy na paghanap at pagkilala sa iba pang pasahero at crew. 

“We are still in coordination with the PDRRMO, mayroon pa rin tayong natatanggap na mga impormasyon sa mga pamilya, kaya as to the number of missing, hindi pa rin po tayo makapagbigay. So, we are still sustaining itong search and rescue efforts po natin,” saad ni Cayabyab. 

Aniya pa, sa kasalukuyan, ang malalakas na along sa kanilang search area ang isa sa mga pagsubok na kinahaharap ng kanilang search and rescue team. 

Probinsya

Casualties sa nagpapatuloy na “search and rescue” sa MV Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 51

KAUGNAY NA BALITA: Mga umaaligid na pating, isa sa mga hamon ng ‘search and rescue’ sa MV Trisha Kerstin 3

Base naman sa pahayag ng PCG nito ring Pebrero 2, dalawa pang bangkay ang narekober mula sa katubigan ng Baluk-Baluk Island, Basilan, kaya sumampa na sa 42 ang kabuoang tala ng mga nasawi mula sa trahedya ng paglubog ng MV Trisha Kerstin 3, habang nananatili sa 316 ang survivor count. 

Matatandaan na noong Lunes, Enero 26, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang malawakang imbestigasyon sa nasabing paglubog. 

MAKI-BALITA: PBBM, nag-utos ng ‘full-blown investigation’ sa M/V Trisha Kerstin 3

KAUGNAY NA BALITA: ‘Search and rescue’ isinasagawa sa lumubog na RORO; may 332 pasahero

Sean Antonio/BALITA