May 22, 2026

Home FEATURES Trending

#BalitaExclusives: Live seller kinaaliwan sa ‘pasa-buy’ ng mga damit na pang-‘lapa’ sa Valentine’s Day

#BalitaExclusives: Live seller kinaaliwan sa ‘pasa-buy’ ng mga damit na pang-‘lapa’ sa Valentine’s Day
Photo courtesy: Kwen Lapa (IG screenshot)

“Open sesame, free access!” 

Ito ang caption ng isang live seller at content creator sa viral niyang “pasa-buy” ng mga pang-“lapa” o sexy na kasuotang pambabae, kamakailan. 

Makikita sa social media ng nasabing live seller na si Jessa na namimili siya ng iba’t ibang klase ng panty para idagdag sa mga paninda niya. 

“Guys, sino magpapasa-buy sa Valentine’s Day?” ani Jessa habang pinipili ang mga bibilhin na panty. 

Ang nasabing post ay umabot na nang higit 40K reactions at 765 comments kung saan, karamihan ng netizens ay nagma-mine ng orders nila, nagpapasa-buy, o kaya’y nagre-request ng partikular na kulay at pattern. 

Trending

Pinoy Guinness World Record holder, personal na kinilala ni PBBM

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Jessa, ikinuwento niya na nagsha-shopping lang daw siya noong nasa live video siya nang makita ang mga naka-display na panty. 

Dahil na rin sa nalalapit na Valentine’s recommended niya ito sa followers niya online. 

Bukod pa rito, nagtitinda rin si Jessa ng iba pang pambabaeng outfits tulad ng lingerie at ilan pang sexy dress na pantulog. 

Hinggil naman sa sarili, ikinuwento ni Jessa na nagsimula siya sa live selling noong 2020 at muling itong binalikan noong 2024, kung saan bumebenta raw talaga sa kaniya ang mga pang-”lapa” na tinda dahil madalas nauuso. 

Bukod pa sa live selling, si Jessa ay content creator din ng mga kakatwang video.

“Naisipan ko lang gumawa ng content sa Instagram, sa Facebook. Basta kung ano ‘yong pumasok sa isip ko na comedy o medyo nakakatawa o kakagatin ng mga tao, ‘yon ang ginagawa ko,” aniya. 

Sean Antonio/BALITA