Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-suspinde sa number coding scheme para sa pagsapit ng Chinese New Year sa Miyerkules, Enero 29, 2025.
Sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook page, inihayag ng MMDA ang naturang anunsyo.
"Kung Hei Fat Choi! Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Miyerkules, Enero 29, bilang pagdiriwang ng Chinese New Year," saad ng MMDA.
Binigyang diin din ng ahensya ang kalimitang pagbigat umano ng trapiko sa bahagi ng Binoondo sa Maynila kung nasaan ang pinakamatandang Chinatown sa buong mundo.
"Kadalasang mabigat ang daloy ng trapiko sa mga lugar ng Binondo sa Maynila kung saan isinasagawa ng mga Tsinoy ang kanilang tradisyon," anang ahensya.
Dagdag pa ng MMDA, "Saan man ang destinasyon, laging tandaan: planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko at mag-ingat sa pagmamaneho."
Stretch of Quintin Paredes from P. Burgos Avenue to Dasmarinas Street;
Jones Bridge;
Plaza Cervantes; and
Binondo-Intramuros Bridge.