May 22, 2026

Home FEATURES Trending

ALAMIN: Bakit trending sa social media ang ‘Dubai Chewy Cookie’ at ‘Ilocos Empanada?’

ALAMIN: Bakit trending sa social media ang ‘Dubai Chewy Cookie’ at ‘Ilocos Empanada?’
Photo courtesy: Wikimedia Commons (website), ABS-CBN News (YT screenshot)

Dubai chewy cookie o Ilocos Empanada? 

Isa ito sa maiinit na tanong na maiging pinag-iisipan ng maraming Pinoy sa social media kasabay ng patuloy na paghihintay sa kasagutan ng iba pang isyung pang-lipunan tulad ng flood control. 

Ilocos Empanada

Matatandaang kamakailan lamang ay naging “viral sensation” ang Ilocos Empanada sa ibang bansa, partikular sa US, kung saan makikita sa social media na dinadagsa ng orders ang home-based kitchens na nagbebenta nito. 

Ayon sa ilang netizens, bukod sa “visual and sensory” appeal ng empanada dahil sa kulay kahel at malutong nitong balat, ang mga sangkap na nilalaman nito tulad ng papaya, longganisa, at gulay, na ipapares pa sa sukang may sipa, ay nag-iiwan ng linamnam na talaga hahanap-hanapin ng panlasa. 

Trending

Pinoy Guinness World Record holder, personal na kinilala ni PBBM

Bago ito maging global trend, ang Ilocos Empanada ay parte ng merienda at handaan sa hapag ng maraming Pinoy, na nagmula sa pa panahong sinakop ng Espanya ang Pilipinas. 

Batay sa sinaunang tradisyon, ang empanada ang pinalamanan carrots, mais, keso, at paminta.

Sa kasalukuyan, ang pinaka kilalang palaman rito ay longganisa, berdeng papaya, monggo, at itlog, bago balutan ng harina, at ibabad sa kumukulong mantika. 

Dubai Chewy Cookie

Sa kabilang banda, ang Dubai Chewy Cookie o “Dujjonku” ay unang umusbong sa South Korea, na ginawa ng pastry chef na si Kim Na-ra. 

Ayon sa ibinahagi ni Kim sa international media, una siyang nagbenta ng “chewy cookies” na gawa sa marshmallows, at nang sumikat ito, sinubukan niyang gumawa Dubai chocolate-style cookie, na kalauna’y nakilala na rin sa iba’t iba pang bansa tulad ng Pilipinas. 

Ang layered-gooey snack na ito, na may rich-pistachio at kataifi filling, ay mas umingay pa sa social media nang mag-post sa kaniyang Instagram ang isa sa mga miyembro ng K-pop girl group, Ive, na si Jang Wonyoung, ng ilang Dubai chocolate-themed snacks mula sa isang Incheon-based dessert shop. 

Dahil sa biglang pag-usbong na ito, ayon sa ilang mga ulat, may netizens na ring gumawa ng interactive maps upang madaling ma-track ang shops at bakeries na nagbebenta ng chewy cookies bago pa ito tuluyang ma-sold out, sa kabila ng pagtaas ng presyo nito dahil sa mataas na demand. 

“Dubai chewy cookie o Ilocos Empanada?” Trend

Sa Pilipinas, bilang kilala ang mga Pinoy sa kanilang kakaibang sense of humor, sinubukan ng ilan na ipagtapat ang dalawang global sensation snacks sa pamamagitan ng pagtatanong sa iba kung ano ba ang mas swak sa kanilang preference. 

Taliwas sa inaasahang sagot, may ilang nagpahayag ng tila mas malalim na sagot, na hindi naman konektado sa Dubai Chewy Cookie at Ilocos Empanada ngunit kakatwa o kaya’y mas seryosong paksa. 

Ilan sa mga bentang sagot sa katanungang “Dubai chewy cookie o Ilocos Empanada” ay ang mga sumusunod: 

‘Yong dream course ko na di ko ma-pursue kasi kailangan kong maging praktikal.” 

“Pahinga. Tatlong beses kumain sa isang araw, eight hours na tulog, madaming pera, bakasyon, walang ginagawa. Okay na ko doon.” 

“Wala d’yan ang cravings ko. Ang gusto ko mag-resign.” 

“Ex ko teh.” 

“Ewan, basta ‘yong sigurado sa’kin.” 

Sa kasalukuyan, sinabay na rin ang dalawang viral snacks na ito sa isa pang usong audio, kung saan maririnig ang pinaghalo-halong trend unang mga buwan ng 2026, na ayon sa maraming netizens ay “stuck” na sa kanilang utak, partikular ang mga madalas babad sa social media.