Ikinasal na ang social media personality na si Pau Fajardo sa jowa niyang si PJ Reblora.
Sa latest Instagram reels ni Pau nitong Sabado, Enero 11, matutunghayan ang sweet moments nila ni PJ sa Los Angeles County Museum of Art habang suot ang kanilang all-white outfits.
“A forever kind of love. From Ms. Fajardo to Mrs. Reblora” saad ni Pau sa caption.
Tugon naman ni PJ, “The sweetest ‘I do’ ”
Nagpaabot naman ng pagbati ang mga netizen para sa newly-wed couple. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Congratulations Mr and Mrs Reblora. Tumulo din luha ko kanina nung makita ko lumalakad ka na sa aisle. So happy for you iha "
"Best of the nest for the two of you Congrats lovebirds "
"congrats sa inyo pau and pj"
"Congratulations Im so happy for you, beb. Welcome to married life!"
"Naiyak akoooo!!! you deserve this Paulineeee!! congrats"
"Congratulations and best wishes "
"CONGRATULATIONS, ATE PAU!!!! Deserve na deserve mo yan "
"Omggg!! Congrats, Pau!! "
Matatandaang pasimpleng ni-launch ni Pau si PJ sa isang Instagram post niya noong Setyembre 2023.
MAKI-BALITA: Pau Fajardo, may natagpuan sa Thailand
Pero bago pa man lumagay sa tahimik si Pau, nagmula siya sa isang traumatic na relasyon dahil umano sa basketbolistang si Scottie Thompson.
Sa kasalukuyan, kasal na rin si Scottie kay Jinky Serrano at may dalawa na silang anak.
MAKI-BALITA: Pau Fajardo, na-trauma makipagrelasyon sa basketball player: ‘Hindi na talaga! Wag na po!’