December 22, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Dominic Roque, Sue Ramirez nasa dating stage na!

Dominic Roque, Sue Ramirez nasa dating stage na!
Photo Courtesy: Dominic Roque, Sue Ramirez (IG)

Nagsalita na ang aktor na si Dominic Roque kaugnay sa real-score nila ni Kapamilya actress Sue Ramirez.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Disyembre 20, kinumpirma raw ni Dominic ang kanilang dating stage sa ginanap na red carpet premiere ng “The Kingdom,” kung saan ginampanan ni Sue ang karakter ni “Dayang Lualhati.”

“We are dating,” saad ni Dominic.

Dagdag pa niya, “Happy kami together. Kinikilala namin isa’t isa.”

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Masaya rin daw ang aktor sa pagtanggap ng publiko sa nabubuo nilang relasyon na binansagan na ngang “DomSue.”

Samantala, sa isang hiwalay na panayam, hiningan ng reaksiyon si Sue matapos ang naging pag-amin ni Dominic.

“What’s new guys, enjoy that information,” pabirong sabi niya. “Enjoy kami. Enjoy lang din kami.”

Matatandaang nagsimula ang hinala ng publiko na may namamagitan kina Dominic at Sue matapos lumutang ang video nila sa isang bar sa Siargao kung saan makikitang tila panandalian silang naghalikan.

MAKI-BALITA: Dominic Roque, Sue Ramirez naispatan na namang magkasama?