December 23, 2024

Home BALITA

Impeachment case ni VP Sara, maaari pang madagdagan?

Impeachment case ni VP Sara, maaari pang madagdagan?
Photo courtesy: House of Representatives/Facebook

Inihayag ni House Secretary General Reginald Velasco na posible pa raw na may maghahain ng ikatlong impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng media kay Velasco nitong Huwebes, Disyembre 5, 2024, kinumpirma niyang hindi niya pa raw naipapasa kay House Speaker Martin Romualdez ang dalawang naunang naghain ng impeachment case.

“Hindi pa [na-transmit], kasi may balita kami na may mga magpa-file pa. So, para isang transmittal na lang kay Speaker,” ani Velasco.

Tumanggi namang maglabas ng iba pang impormasyon ang House Secretary General hinggil sa kung sa mga detalye ng kung sino pa ang magsusumite ng impeachment file at kung sino ang posibleng mag-endorso nito sa Kamara, 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“May mga congressman na kumausap sa akin na mayroon daw silang pinag-iisipang i-file or i-endorse. Kaya on hold kami dito, nag-iintay kami…Malalaman natin next week kung itutuloy nila ‘yung complaint na ifa-file nila” anang House Secretary General. 

Dagdag pa ni Velasco, mayroon daw kasi silang sinusunod na “confidentiality” para sa mga nagbabalak pa lamang magsumite ng naturang impeachment case.

“I cannot reveal eh. Kasi mayroon kaming agreement na it will remain confidential until they actually endorse or file the complaint,” giit ni Velasco.

Samantala, matatandaang noong Disyembre 3 nang maunang maghain ang civil society ng impeachment case laban kay VP Sara na siyang inendorso ng Akbayan Party-list.

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Cendaña sa pag-endorso ng impeachment: ‘Isara na ang bangungot na dulot ni Sara!’

Nasundan naman ito noong Disyembre 4 mula sa grupo ng iba’t ibang progresibong organisasyon na inendorso ng Makabayan bloc. 

KAUGNAY NA BALITA: Paghahain ng ikalawang impeachment case vs VP Sara, sinabayan ng protesta!

Pagtitiyak naman ni Velasco, maaari raw niyang ipasa sa House Speaker ang mga impeachment complaints hanggang sa susunod na linggo.

“I think as early as next week we will transmit it to the Speaker's office. We will let you know, once we officially transmit the cases, the complaints to the Speaker, we will let you know,” saad ni Velasco.

Nakatakdang magtapos ang huling sesyon ng Kamara at Senado ngayong taon, sa darating na Disyembre 18, 2024.