January 22, 2025

Home BALITA

Mga anak ni Mary Jane Veloso, binigyan ng full scholarship

Mga anak ni Mary Jane Veloso, binigyan ng full scholarship
Photo courtesy: GMA Regional TV One North Central Luzon

Pinagkalooban ng scholarship ang mga anak ni Mary Jane Veloso mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Nueva Ecija.

Isang full scholarship program ang handog ng TESDA sa dalawang anak ni Mary Jane na sina Mark Darren, 16 at Mark Daniel, 22. 

Si Mary Jane ang Pinay Overseas Filipino Worker (OFW) na nasentensyahan ng bitay sa Indonesia noong 2010 matapos siyang mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa nasabing bansa, dulot ng pananamantala umano sa kaniya ng illegal recruiters. 

KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Ang timeline ng 14 taong death row sentence ni Mary Jane Veloso

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa ulat ng GMA News Online nitong Huwebes, Nobyembre 28, 2024, maaari daw palawigin ang naturang scholarship program hindi lamang sa mga anak ni Mary Jane, maging ilang kaanak at kapitbahay din ang puwedeng sumali sa naturang program ng TESDA. 

“Pu-pwede po natin mabigyan ng training program silang magkakamag-anak dito, even 'yung mga kapitbahay nila dito, para mabuo natin 'yung isang batch, kung gusto nila puwede natin i-conduct dito sa mismong barangay nila,” ani Alvin Yturralde, TESDA Director. 

Samantala, kamakailan lang ay nakatanggap na rin ng kaukulang tulong ang pamilya Veloso mula sa Department of Migrant Workers noong Nobyembre 23, 2024 kung saan ayon pa rin sa ulat ng GMA News Regional TV ay nagbigay raw ang nasabing ahensya ng tulong pinansyal.

Matatandaang nito lamang buwan ng Nobyembre nang ihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na pumayag na ang Indonesian government na ilipat ng kulungan pabalik ng Pilipinas si Mary Jane. 

KAUGNAY NA BALITA: Nasentensyahang si Mary Jane Veloso, babalik na sa Pilipinas—PBBM

Patuloy din ang malawakang panawagan para sa magiging lagay ni Mary Jane pagbalik ng bansa, lalo pa’t nauna na ring linawin ng Indonesia na nakasalalay na raw sa gobyerno ng Pilipinas ang magiging kapalaran niya dahil walang parusang bitay na umiiral sa bansa. 

KAUGNAY NA BALITA: Ilang grupo nagtipon para sa panawagan ng clemency kay Mary Jane Veloso

KAUGNAY NA BALITA: Mary Jane Veloso, may tsansang mailipat na ng kulungan sa Pilipinas