December 23, 2024

Home BALITA

Plate number 7 ng SUV na ilegal na pumasok sa EDSA busway, peke—LTO

Plate number 7 ng SUV na ilegal na pumasok sa EDSA busway, peke—LTO
Photo courtesy: Special Action and Intelligence Committee for Transportation (FB)/via MB

Peke raw ang plaka ng isang sasakyang sinita dahil ilegal na pumasok sa EDSA busway at nag-dirty finger pa raw ang driver sa mga awtoridad, noong Linggo, Nobyembre 3, 2024 sa bahagi ng northbound Guadalupe station.

Sa ulat ng TV Patrol nitong Lunes, Nobyembre 4, kinumpirma raw ng Land Transportation Office (LTO) na peke ang plakang ginagamit ng sasakyan dahil wala silang inilabas na protocol plate sa naturang SUV.

"The initial information we have based on the assessment of the pieces of evidence at hand is that the '7' protocol plate attached to the SUV in the viral video is fake, and that there was no protocol plate issued to the same type of vehicle," mababasa sa ipinadalang pahayag ng LTO sa flagship newscast ng ABS-CBN.

Ang number 7 sa plate number ng isang sasakyan ay nangangahulugang pagmamay-ari ito ng isang senador.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Agad namang pinag-utos ni Senate President Francis "Chiz" Escudero na hanapin at papanagutin kung sinuman ang may-ari ng sasakyang ito.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa tukoy ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng nabanggit na SUV.

MAKI-BALITA: Sasakyang may plakang No.7 dumaan sa EDSA busway; nag-dirty finger at tumakas