October 24, 2024

Home SHOWBIZ

Ellen Adarna, nanganak na!

Ellen Adarna, nanganak na!

Ibinida ng aktor na si Derek Ramsay na nanganak na ang kaniyang misis na si Ellen Adarna, sa kanilang firstborn child. 

"My world keeps getting better and better!" mababasa sa caption ng Instagram post ni Derek nitong Miyerkules, Oktubre 23. 

Kalakip ng Instagram post ang larawan ni Ellen habang nakahiga sa hospital bed, kalong ang kaniyang bagong silang na anak. 

Hindi naman sinabi ni Derek ang gender ng sanggol, pero may hashtag siyang #houseofdragons. 

Donny Pangilinan, personal na naghatid ng relief goods

Katabi naman ni Ellen ang panganay na anak na si Elias, na anak nila ng aktor na si John Lloyd Cruz. 

Agad namang bumuhos ang pagbati para sa mag-asawa mula sa kanilang mga kaibigang celebrity at netizens. 

Matatandaang noong Abril 2024 ay tinalakay sa entertainment vlog ni Ogie Diaz ang tungkol sa umano'y pagbubuntis ni Ellen, matapos makunan. 

MAKI-BALITA: Matapos makunan: Ellen Adarna, buntis na ulit?

Matatandaan isiniwalat ni Derek noong Disyembre 2023 na nakunan umano si Ellen. Gayunpaman, nabanggit din ng aktor na bukas sila na bumuo ulit ng anak lalo’t natuklasan nilang dalawa na hindi sila baog pareho.

MAKI-BALITA: Ellen Adarna, nakunan sey ni Derek Ramsay

Congrats, Derek at Ellen!