November 23, 2024

Home BALITA National

Chinkee Tan, nagsalita sa isyung nakulong siya dahil sa crypto scam

Chinkee Tan, nagsalita sa isyung nakulong siya dahil sa crypto scam

Isa sa mga hot topic na pinag-usapan sa latest entertainment vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ang umano'y pagkakakulong daw ng financial topic expert at motivational speaker na si Chinkee Tan dahil sa "crypto scam."

Batay sa mga kumalat na post sa social media, umano'y nakulong daw si Chinkee dahil sa pagkakasangkot sa "crypto scam."

Ang "crypto scam" ay isang uri ng panloloko na may kaugnayan sa mga cryptocurrency, tulad ng Bitcoin, Ethereum, at iba pa. Sa ganitong uri ng scam, ginagamit ng mga manloloko ang mga digital na pera o mga platform ng cryptocurrency upang manloko ng mga tao at makuha ang kanilang pera o digital assets.

Delikado ito dahil sa madalas na pagkakataon, mahirap nang mabawi ang mga perang nawawala sa ganitong mga kaso dahil sa decentralized nature ng cryptocurrency.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bagay na pinabulaanan naman ni Chinkee sa isang pahayag. Pinag-iingat ni Chinkee ang publiko sa mga taong nagpapakalat na may kinalaman siya sa isang crypto investment scam. Hindi rin aniya totoo ang balitang nakulong siya.

Sa isang ulat, nasasaad na nagsampa na ng pormal na reklamo si Tan sa National Bureau of Investigation Cybercrime Division para papanagutin kung sino ang nasa likod ng nabanggit na pekeng balita at post.