November 15, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Ilang 'Bar Boys' na nagpapraktis na raw para sa Olympics, kinaaliwan

Ilang 'Bar Boys' na nagpapraktis na raw para sa Olympics, kinaaliwan
Photo courtesy: Screenshots from Bar Boys PH (FB)

Mukhang marami nang nagnanais at nangangarap na sumunod sa yapak ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo matapos maispatan ang ilang kalalakihang nagpapraktis nang mag-gymnastics sa baras.

Sa isang online community page na "Bar Boys PH" na ibinahagi ng GMA Public Affairs, makikita ang isang lalaking nagpaikot-ikot sa isang baras para sundan na raw si Yulo sa tagumpay nito sa 2024 Paris Olympics.

Isa sa mga naging dahilan kung bakit maraming nagnanais na sumunod sa yapak ni Yulo ay dahil bukod sa karangalan, sandamakmak din ang mga premyo at incentives para sa kaniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

"Sana the government will full support sa mga Sports sa MGA kabataan..para hndi Sila malulong sa mga Maling Gawain."

"Kung ang bawat barangay sa atin bansa mag ikot lang maraming makikitang talento na puwede isabak sa olympic mag training lang.Huwag puro basketball at volleyball maari may pag asa tayo sa swimming ,gymnast,weightlifting."

"kung sa weightlifting marami kabataan sa bukid nagbubuhat ng sako sakong binhi at bigas..sa gymnastics pangyaman daw laro na yan sabi ng ilang pinoy..thats not true kulang lang po sa facility sa totoo lang.additional sports school sa pilipinas per regions."

"Mas ok pang ganito ang libangan ng mga kabataan kaysa alak at shabokoy."

"May proper training dyan para iwas bali buto buto hehehe...isang maling bagsak maaring magfracture delikado din. Hanap p kyo ng tamang instructor para s guidance."