November 24, 2024

Home BALITA National

OVP, nagbabala vs 'unverified Google forms' na ginagamit kanilang relief ops

OVP, nagbabala vs 'unverified Google forms' na ginagamit kanilang relief ops
VP Sara Duterte; Office of the Vice President/FB

Nagbabala ang Office of the Vice President (OVP) sa publiko laban sa mga kumakalat sa social media na unverified Google Form links na ginagamit daw ang kanilang mga relief operation.

Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Hulyo 26, iginiit ng opisina ni Vice President Sara Duterte na hindi mula sa kanila ang naturang mga Google form.

“Ang mga Google forms na ito ay HINDI OPISYAL AT HINDI ITO MULA SA OVP,” anang OVP.

“Ang pagsagot sa unverified form na ito ay maaring makakompromiso sa inyong pribado at personal na impormasyon,” dagdag nito.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Kaugnay nito, inabisuhan ng opisina ng bise presidente ang publiko na makipagtransaksiyon lamang sa kanilang mga lehitimong empleyado at maghintay ng update sa kanilang mga opisyal na social media accounts.

“Makipagtransaksyon lamang sa mga lehitimong opisina at empleyado ng OVP, o abangan ang mga opisyal na anunsyo galing mismo sa Tanggapan. Mag-ingat po tayo lagi,” saad ng OVP.

Nagpapatuloy pa rin daw ang relief operations ng OVP para sa mga nasalanta ng bagyong Carina, kahit lumipad pa-Germany si Duterte kasama ang kaniyang pamilya para sa kanilang "personal trip."

KAUGNAY NA BALITA: OVP nagsagawa ng relief operations kahit lumipad pa-Germany si VP Sara

KAUGNAY NA BALITA: OVP, nagsalita hinggil sa pangingibang-bansa ni VP Sara kahit binabagyo PH