October 05, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Roda, posibleng maging action star?

Roda, posibleng maging action star?
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (YT)

Nausisa ang award-winning director na si Joel Lamangan kung saan niya raw gustong pumunta ang ginagampanan niyang karakter na si “Roda” sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa latest episode ng “On Cue” kamakailan, sinabi ni Direk Joel na hindi raw niya hawak ang kapalaran ng kaniyang karakter sa naturang serye.

“Sila kasi ang nagsasabi kung saan ako pupunta. Sumusunod lang ako at pinapalamanan ko na lang kung anong basic na ibibigay nila,” pahayag ni Direk Joel.

“Ako ang nagpapalagay ng mga elements para maging exciting ‘yong character. Itong basic character ni Roda, galing sa kanila ‘yan. Ako na lang ang nagpalaman nang nagpalaman,” wika niya.

Teleserye

'Nakakagigil talaga!' McCoy De Leon, nagawa pang mag-picture bago magnakaw

Dagdag pa niya: “Marami pang mangyayari kay Roda. Kailangan n’yong abangan. Iba’t ibang pangyayari. Maaaring bumait na naman siya. Maging salbahe na naman siya. Malay n’yo maging action star, ‘di ba?”

Bukod dito, nagpaabot din si Direk Joel ng mensahe para sa mga sumusubaybay at nag-aabang kay Roda.

“Maraming-maraming-maraming-maraming salamat sa pag-abang n’yo sa ‘Batang Quiapo. Napakalaking tulong n’yo sa aming lahat. Sana’y ‘wag kayong magsasawa,” aniya.

Samantala, sa isang bahagi ng panayam ay nagbigay siya ng pahayag hinggil sa reaksiyon ng mga tao sa ginagampanan niyang karakter. 

MAKI-BALITA: Direk Joel Lamangan, nao-overwhelm bilang si 'Roda'