Nangunguna sina Dr. Willie Ong, ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa senatorial survey na isinagawa ng Publicus Asia, Inc. na inilabas nitong Biyernes, Hulyo 12.
Sa 2024 Second Quarter PAHAYAG survey, lumalabas na nakakuha ng 39% na voter preference si Ong, sinundan siya ni Tulfo na may 33%, at 32% naman si Duterte.
Bukod kay Duterte, nakakuha rin ng 32% si dating Senador Ping Lacson.
Nakakuha naman ng 29% voter preference sina dating Senate President Tito Sotto III, Senador Bong Go, at dating Manila Mayor Isko Moreno.
Sa kabila ng anunsyong hindi tatakbo sa anumang national position, nakakuha ng 28% si dating Vice President Leni Robredo.
Samantala, narito pa ang listahan ng mga politikong nakakuha ng porsyento sa naturang survey.
Senador Imee Marcos - 26%
Dating Senador Kiko Pangilinan - 25%
Defense Secretary Gibo Teodoro - 23%
Senador Pia Cayetano - 23%
Senador Bato Dela Rosa - 22%
Human rights lawyer Atty. Chel Diokno - 21%
Ayon sa Publicus Asia, isinagawa ang survey noong Hunyo 15 hanggang Hunyo 19, 2024.
"The survey period was from 15 to 19 June 2024 using purposive sampling composed of 1,507 respondents randomly drawn from the market research panel of over 200,000 registered Filipino voters maintained by the Singapore office of PureSpectrum, a US-based panel marketplace with multinational presence."