December 23, 2024

Home BALITA National

Robredo, pinasa na kay Hontiveros pagiging opposition leader: 'Rightful lang na siya na'

Robredo, pinasa na kay Hontiveros pagiging opposition leader: 'Rightful lang na siya na'
MULA SA KALIWA. Dating Vice President Leni Robredo at Senador Risa Hontiveros (Facebook)

Ipinahayag ni dating Vice President Leni Robredo na ipinasa na niya ang “baton” ng pagiging opposition leader kay Senador Risa Hontiveros.

Sa panayam ng “Zoom In” ng NewsWatch Plus PH nitong Sabado, Hulyo 6, sinabi ni Robredo na ipinasa na niya ang pagiging opposition leader kay Hontiveros noong nagkaroon daw ng event bago natapos ang kaniyang termino bilang bise presidente ng bansa.

“I think ito ‘yung nag-take ng oath si Senator Risa sa akin for the fresh term. During the event, sinabi ko na I’m already passing on the baton to Senator Risa,” ani Robredo.

“I became the leader of the opposition only because I was the highest ranking member of the government. So parang ganoon naman ‘yun eh. Wala na ako sa posisyon. Si Senator Risa na ‘yung highest member of government from the opposition. So rightful lang na siya na,” dagdag pa niya.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Ayon pa sa dating bise presidente, alam daw nilang may mga nagsasabing siya pa rin ang lider ng oposisyon lalo na’t dalawang taon pa lamang ang nakalilipas mula noong eleksyon.

“So siguro transition pa ito sa tao na maisip na hindi na ako ‘yun. Kasi pareho na tayong private citizen. Pero maging very supportive tayo of the leadership of Senator Risa,” saad ni Robredo.

“I have tried to restrain myself from issuing statements on national issues to send a message na ‘Nandito ako, nagtatrabaho still for the cause.’ Ang tinatrabaho ko for the cause quietly, we are doing Angat Buhay, we are doing organizing. We have been doing everything to help the opposition,” dagdag niya.

Samantala, sa naturang panayam ay ipinaliwanag din ni Robredo kung bakit pagiging alkalde ng Naga ang tatakbuhan niya sa 2025 midterm elections at hindi sa national position o sa pagka-senador.

MAKI-BALITA: Robredo, ipinaliwanag dahilan ng hindi niya pagtakbo bilang senador sa 2025

MAKI-BALITA: Robredo, may mensahe sa 'Kakampinks' na nalungkot sa 'di pagtakbo sa nat'l seat

Si Robredo ang nagsilbing bise presidente ng bansa mula 2016 hanggang 2022. Tumakbo naman siya bilang pangulo noong 2022 national elections, kung saan nagsimulang tawagin ang kanilang mga tagasuporta bilang “Kakampink.”