December 24, 2024

Home SHOWBIZ Events

'I don't feel any pressure right now!' Janina San Miguel, bumulaga sa Binibining Pilipinas coronation night

'I don't feel any pressure right now!' Janina San Miguel, bumulaga sa Binibining Pilipinas coronation night
Photo courtesy: Screenshot from Binibining Pilipinas

Matagumpay na ginanap ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2024 sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City nitong gabi ng Linggo, Hulyo 7.

Ang nagsilbing hosts ng nabanggit na coronation night ay former beauty queens na sina Ruffa Gutierrez, Nicole Cordoves, Kylie Verzosa, MJ Lastimosa, at Catriona Gray.

Bukod sa aktuwal na koronasyon ng bagong queens, highlights din ang pagbibigay-tribute sa mga nagdaang Binibining Pilipinas winners, lalo na ang apat na Miss Universe mula sa Pilipinas na sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at siyempre, si Catriona Gray (2018).

MAKI-BALITA: Apat na Miss Universe, nagsama-sama sa Binibining Pilipinas 2024

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

Ang mga nagwagi naman sa nabanggit na coronation night ay sina Myrna Esguerra na siyang itinanghal na Binibining Pilipinas International at si Jasmin Bungay bilang Binibining Pilipinas. Si Christal Jean Dela Cruz naman ang first runner-up at si Trisha Martinez naman ay second runner-up.

Ngunit ang isa pang pinag-usapan ng mga netizen ay ang pagdalo ni Binibining Pilipinas World 2008 Janina San Miguel, na naging memes hanggang ngayon ang sagot sa Q&A portion; pero hindi ito naging hadlang para maiuwi niya ang korona.

Kung matatandaan, tinanong siya noon ng host na si Paolo Bediones bago ang aktuwal na pagbibigay ng tanong mula sa mga hurado.

“So you won two of the major special awards. Do you feel any pressure right now?”

“No, I don’t feel any pressure right now!” confident na sagot ng noon ay 17-anyos na kandidata.

Ang tanong ay mula naman kay Vivienne Tan, anak ng negosyanteng si Lucio Tan: “What role did your family play for you as candidate [of] Binibining Pilipinas?”

“Well, my family’s role for me is so important because there was the wa- they’re, they was the one who’s… very… Hahahaha… Oh, I’m so sorry, ahhmm… My pamily… My family… Oh my god… I’m… Okay, I’m so sorry… I… I told you that I’m so confident… Heto, ahhmm, wait… Hahahaha," na ikinatawa rin ng audience.

"Ahm, sorry guys, because this was really my first pageant ever because I’m only 17 years old and hahaha I, I did not expect that I came from, I came from one of the tough 10. Hmmmm, so… but I said that my family is the most important persons in my life. Thank you.”

Bagama't hinirang siyang Binibining Pilipinas World, tumanggi siyang maipadala sa ibang bansa upang lumaban dahil sa iba't ibang isyu.

Noong 2020, sa muling panayam kay Janina, sinabi niyang nagtrabaho siya sa call center kaya naman nahasa nang husto ang kaniyang communication skills lalo na sa paggamit ng wikang Ingles.

Kaya naman nang muli siyang mag-appear sa naganap na coronation night nitong Hulyo 8 ay talaga namang humanga ang mga netizen dahil "confident" na talaga siya at tila walang pressure sa pagsasalita.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"She's more proud now being an accomplished woman pass her physical looks.. at least proved that when she was sexy... now she can talk."

"So she won, the two of the major awards best in long gown and best in swimsuit, did she feel any pressure right now?"

"Let her live her life. Her past doesn’t define her now."

"We may have stumbled in the past. But we are not defined by the way we fall but measured by how soon we can stand up and recover. The past gives us the lesson for us to learn how to live our present and be better for our future. And I thank you!"

"ok na xia ngayon..wala na ung nerbyos at mas good na xia sa english...nakapag asawa ata xia ng foreigner...im not sure..pero good at nag pursige xia mula ss pagiging tricycle driver before na sumali sa Bb. Pilipinas at nanalo ,...lahat tlaga ng tao may chance mag improve...."

Bongga ka, Janina!