Nagpaluwa ng mga mata ang singer na si Chappell Roan dahil sa kaniyang outfit sa 68th Grammy Awards na ginanap noong Linggo, Pebrero 1.
Paano ba naman kasi, halos walang cover ang mga pisngi ng cocomelon niya, at ang tanging natatakpan lang dito ay ang nipples niya, kung saan naka-attached pa rito ang isang nipple ring na nagsisilbing suporta naman sa kaniyang outfit na see-through din.
Bukod sa kitang-kita ang panty niya, sa likod naman ay backless din na naghahantad sa kaniyang mga tattoo. Pinili niya ang isang gothic romantic style, na sinamahan ng gintong choker na may pink na gemstones. Tinapos niya ang look sa isang smokey eye makeup para sa mas malalim na dating, at inayos ang kaniyang copper-red na buhok na may curly bangs at mga tirintas na inspirasyon ng sirena.
Ayon sa mga ulat, ang nag-style kay Chappell ay si Genesis Webb, at ang outfit naman ay mula sa French luxury fashion house Mugler, custom-made ng designer na si Miguel Castro Freitas.
Ayon sa mga ulat, sinasabing hango sa iconic Spring–Summer 1998 couture collection ni Manfred Thierry Mugler ang nabanggit na pasabog na kasuotan. Tampok sa ensemble ang isang draped cowl neckline na nakasabit sa kaniyang nipple rings.
Sino si Chappell Roan?
Si Chappell Roan ay isang American pop singer-songwriter na kilala sa kaniyang theatrical performances, matapang na fashion choices, at queer-positive themes sa kaniyang musika.
Nakilala siya lalo sa kaniyang mga awiting may malinaw na pop sensibility at camp aesthetic, at itinuturing siyang isa sa mga bagong boses na humahamon sa tradisyonal na imahe ng pop stardom.
Ilan sa hit songs niya ay "Good Luck, Babe!", "Cleopatra," "Hot to Go," "Pink Pony Club," at iba pa.