October 05, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Bardagulan sa 'Widows' War,' pinag-usapan

Bardagulan sa 'Widows' War,' pinag-usapan
Photo Courtesy: Screenshots from X

Usap-usapan ngayon sa X (dating Twitter) ang komprontahan ng mga Kapuso star na sina Jean Garcia, Tonton Gutierrez, Bea Alonzo, Carla Abellana, Benjamin Alves, at Rafael Rosell sa pinakabago nilang seryeng “Widows’ War.”

Photo Courtesy: Screenshots from X

Sa mga video clip na kumakalat mula sa isang episode ng naturang serye, matutunghayan ang iringan na nag-ugat sa pagbabago sa kung sino ang mangangasiwa ng pinapatakbong negosyo ng pamilya.

Tila kahanga-hanga kung paano nailagay sa iisang eksena ang tatlong magkakaibang pagtatalo sa pagitan nina Jean at Tonton; Rafael at Benjamin; at Bea at Carla.

Nagbahagi ang mga netizen ng kani-kanilang reaksiyon sa naturang eksena. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Teleserye

'Nakakagigil talaga!' McCoy De Leon, nagawa pang mag-picture bago magnakaw

"I'll give this scene an applause especially to Benjamin Alves, kuhang kuha niya yung asar at yabang na dating lalo na nung naglalakad siya while looking to Rafael, plus ang gwapo niya"

"Grabehhh ang eksena.."

"Ang slay dito ni Aurora"

"Bagay kay benj. Parang ganyan rin sya irl hahah"

 In fairness, simula sa pilot episode ng serye noong Hulyo 1 ay hindi pa ito nawawala sa trending list ng X, at usap-usapan ang clips nito sa iba pang social media platforms gaya ng Facebook at TikTok. 

Mapapanood ang “Widows’ War” na idinirek ng visionary filmmaker na si Zig Dulay.sa free tv mula Lunes hanggang Biyernes ng 8:30 pm sa GMA Network.