October 05, 2024

Home BALITA National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 3:30 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 134 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.