January 22, 2025

Home BALITA National

Minimum wage sa NCR, ₱645 na!

Minimum wage sa NCR, ₱645 na!
(MB PHOTO BY ALI VICOY)

Papalo na sa ₱645 ang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Lunes, Hulyo 1. 

Ito'y matapos aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa National Capital Region (NCR) ang ₱35 na pagtaas sa sahod. 

Sa naturang pagtaas ng minimum wage, magiging ₱645 ang sahod ng mga non-agriculture workers sa pribadong sektor, habang ₱608 naman sa agriculture workers, sa service and retail establishments na may 15 o mas mababang bilang ng manggagawa, at manufacturing establishments na hindi tataas sa 10 manggagawa.

Naipatupad ang huling minimum wage increase noong Hulyo 16, 2023 kung saan ₱610 ang sahod sa non-agricultural sector at ₱573 sa agricultural sector.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Epektibo ang ₱35 na pagtaas ng sahod sa Hulyo 17, 2024. 

Matatandaang sa 2024 Labor Day celebration sa Malacañang, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga RTWPBs na rebyuhin ang minimum wage rates sa kani-kanilang nasasakupang rehiyon.