July 04, 2024

Home BALITA

Lalaki, tinaga sa ulo, patay

Lalaki, tinaga sa ulo, patay
FILE PHOTO

Patay ang isang lalaki nang tagain sa ulo ng kaniyang nakaalitan sa Rodriguez, Rizal, nitong Linggo.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Birgo Reno, 55, ng Sitio Laan, habang nakatakas naman at tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek, na kinilala lang sa alyas na ‘Rene,’ 59, ng Sitio Proper 2, kapwa sa Brgy. Macabud, sa Rodriguez.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-2:10 ng hapon nang maganap ang krimen sa Sitio Proper 2, Brgy. Macabud, sa Rodriguez.

Sa hindi pa malamang kadahilanan ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek sanhi upang kumuha ang biktima ng isang sumpak at tinangkang barilin ang suspek ngunit hindi ito tinamaan.

National

Fingerprint ng ikatlong 'Alice Guo', 'di tugma kay Mayor Alice Guo

Dito na bumunot ng itak ang suspek at kaagad na tinaga umano ang biktima sa ulo, na kaagad nitong ikinamatay.

Mabilis ding tumakas ang suspek patungo sa mabundok na lugar sa Brgy. Macabud at tinutugis na ng mga awtoridad.