December 23, 2024

Home BALITA National

VP Sara, walang inirekomenda kay PBBM na kapalit niya bilang DepEd chief

VP Sara, walang inirekomenda kay PBBM na kapalit niya bilang DepEd chief
VP Sara Duterte at Pangulong Bongbong Marcos (file photo)

Inihayag mismo ni Vice President Sara Duterte na wala siyang inirekomenda kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kapalit niya bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) matapos niyang magbitiw sa pwesto.

Sa isang panayam nitong Sabado, Hunyo 29, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Duterte na hindi siya nagrekomenda kay Marcos dahil dapat daw na ang pinagkakatiwalaan talaga ng pangulo ang maitalaga sa nasabing posisyon.

“Wala akong na-recommend na new secretary for the Department of Education dahil ang posisyon ng secretary ay sa posisyon ng trust and confidence on the appointing power, appointing authority, which is the President,” ani Duterte.

“So, dapat talaga ‘yan pinili ng Pangulo dahil dapat ‘yan pinagkakatiwalaan ng Pangulo,” dagdag pa niya.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Samantala, sa isang panayam ng mga mamamahayag nito ring Sabado, sinabi naman ni Marcos na hindi pa siya nakakapili ng ipapalit kay Duterte sa posisyon at kinakailangan pa raw niya ng mas mahabang oras para magdesisyon.

MAKI-BALITA: PBBM, kailangan pa ng 'more time' para mapili bagong DepEd chief

Matatandaang noong Hunyo 19, 2024 nang ianunsyo ni Duterte ang kaniyang pagbibitiw bilang kalihim ng DepEd, na magiging epektibo sa Hulyo 19, 2024.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

Samantala, sinabi ni Marcos kamakailan na hindi raw nagbigay ng paliwanag ang bise presidente sa kaniyang hinggil sa naturang pag-alis nito sa kaniyang gabinete.

MAKI-BALITA: VP Sara, 'di raw nagpaliwanag kay PBBM sa pagbibitiw niya sa DepEd, NTF-ELCAC