Nagpaalala sa publiko si Kapuso Star Alden Richards na huwag agad maniniwala sa mga kumakalat na fake social media posts tungkol sa mga sinasabi raw ng mga artista o celebrity, na pinapalabas na post nila sa kanilang accounts.

Biktima si Alden ng fake tweets kung saan pinapalabas na may sinasabi siya laban sa ex-boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Kapamilya Star Daniel Padilla.

Sey naman ni Alden, wala siyang karapatan at dahilan para magbitiw ng defamatory words laban kay Daniel at sa kahit na kanino, lalo't hindi naman niya nakakasama.

Kaya paalala nga niya sa madlang netizens, mag-fact check muna at huwag munang maniniwala sa mga nakikita at nababasa sa social media, maliban na lamang kung mismong mga artista o celebrity na ang nag-post sa kani-kanilang official social media platforms. Pugad daw kasi ng fake news at fake posts ang socmed.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Ingat lang po tayo sa fake news, dahil ang social media po ay pugad ng fake news, so, not until 'yong mga official accounts po ng mga artista ang nag-post ng mga tweets na mga kumakalat diumano, eh huwag po natin agad paniwalaan at mag-fact check po muna tayo bago tayo mag-call out ng judgment," paliwanag ng aktor.

MAKI-BALITA: Alden, nagbabala sa mga kumakalat na X post niya laban kay Daniel