Inilahad ni showbiz insider Ogie Diaz ang kaniyang panig matapos siyang sampahan ng kasong cyber libel ng Kapuso star na si Bea Alonzo.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Mayo 6, sinabi ni Ogie na bagama’t hindi siya galit kay Bea ay kailangan din niya umanong ipagtanggol ang sarili.

“Ito, ha, sa totoo lang. Buksan n’yo man ang puso ko, hindi po ako galit kay Bea Alonzo. Kasi ako naniniwala ako, karapatan niya ‘yan,” saad ni Ogie.

“Kung feeling niya e nasaktan natin siya, karapatan niya ‘yon. In the same way na syempre kailangan din naming idepensa ‘yong aming sarili at ipaglaban kung ano ‘yong para sa amin ay fairness sa amin,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Dagdag pa ng showbiz insider: “Wala akong naramdamang galit. Kasi hindi naman ho ‘yan ngayon lang nangyayari ‘yong ganyan sa amin lalo na sa aming propesyon.“

Gayunpaman, sa kabila ng mga batikos na natatanggap, nagpapasalamat pa rin si Ogie sa mga patuloy na sumusuporta at naniniwala sa ginagawa niyang pagbabalita.

Ang importante raw para sa kaniya ay kilala siya ng mga tagasubaybay niya. Alam ng mga ito ang ginagawa niyang kabutihan at kabayanihan para sa mga artistang nagpo-promote ng show.

“Saka, Nay, ‘yong mga nambabash din po kalma lang po kayo. Hindi pa nga po natin alam pare-pareho kung anong laman ng salaysay,” pahabol naman ng co-host niyang si Mama Loi.

Matatandaang nauna nang magbigay ng maikling pahayag si Ogie noong mismong araw ding nagsampa ng kaso si Bea laban sa kaniya.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa inihaing kaso ni Bea laban sa kaniya: ‘Ayoko nang magpakaplastik…’

Bukod kay Ogie, kasama rin ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa mga idinemanda ni Bea sa kasong cyber libel.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz