Ang devotion o quiet time ay kadalasang ginagawa ng mga Kristiyano.

Isa ito sa mga paraan upang magkaroon nang mas malalim na pag-uusap ang isang tao at ang Diyos.

Ito rin ‘yung oras na mas nararamdaman ng isang tao ang presensya ng Diyos kung kaya’t naibubuhos nito ang tunay na kalagayan ng kaniyang puso.

Ano nga ba ang mga dapat ihanda kapag magde-devotion?

BIBLE

Unang ihanda ang Bible magiging gabay ito upang malaman ang mensahe at sagot ng Diyos sa ating pinapanalangin.

NOTEBOOK AT PEN

Ginagamit ang notebook at pen para i-note ang mga nabasa sa Bible at pag-aralan ang mga Salita ng Diyos, at mag-reflect mula rito.

LISTAHAN NG PRAYER REQUEST o ANSWERED PRAYERS

Hindi naman ito usually required pero maganda rin kung maghahanda tayo ng listahan ng prayer requests maging ng mga answered prayers natin. Para kung babalikan ang listahan, makikita natin ang mga nasagot at hindi pa nasasagot ng Diyos.

PAANO NGA BA MAG-DEVOTION?

Narito ang ilan sa mga paraan kung paano gagawin ang devotion o quiet time.

MAGLAAN NG ORAS

Kailangan mayroong specific time kung kailan gagawin ang devotion. Pwedeng gawin ito pagkagising sa umaga o bago matulog sa gabi.

MAGHANAP NG LUGAR NA TAHIMIK

Dapat maghanap ng lugar na tahimik para iwas distractions sa paligid kasi kailangan magbabad sa presensya ng Diyos. Kadalasan ginagawa ang pagde-devotion sa loob ng kwarto o minsan pa nga sa loob ng comfort room.

MANALANGIN

Kung all set na, umpisahan ang devotion sa panalangin. I-ask ang guidance ng Holy Spirit dahil hindi natin malalaman at hindi maibibigay ng Diyos ang revelations Niya kung wala ang banal Niyang presensya.

MAGING CONSISTENT

Kahit tinatamad o napagod ka na sa buong araw dahil sa trabaho o pag-aaral, kailangan pa ring mag-devotion. Sabi nga sa preaching ng isang pastor, the more na inaantok o tinatamad ka, dapat mas doon ka mag-devotion.

TECHNIQUE

Mayroon akong technique kapag nagde-devotion na natutunan ko sa church.

Una, sa pagbabasa ng Bible, pwedeng mag-umpisa sa book of Matthew or book of John sa New Testament.

Pangalawa, ang MPCWA—Message, Promise, Command, Warning, Application (o reflection kung ano ang naintindihan mula sa scripture).

And lastly, enjoy your quiet time!