Hinihiritan ng mga netizen sina Australian singer-songwriter Lenka at “Queen of Bangsamoro Pop” Shaira Moro na mag-collab.

Marami kasing nakapansin na tila katunog umano ng “Trouble Is A Friend” ni Lenka ang “Selos” ni Shaira na naitala bilang number 1 sa Spotify Viral Songs PH noong Marso 8. 

Kinumpirma naman ng record label ni Shaira ang tungkol sa bagay na ito sa isang opisyal na pahayag na inilabas nila kaya hindi na mapakikinggan pa sa mga online streaming platform ang naturang kanta maliban sa YouTube dahil hanggang ngayon ay naroon pa rin ang official music video nito.

MAKI-BALITA: ‘Selos’ ni Shaira, tinanggal na sa mga online streaming platform

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Pero para sa ilang netizen, sa halip na pagsabungin, mas mabuti umanong mag-collab na lang silang dalawa para lalong umalingawngaw ang kanilang boses at pangalan sa loob o labas man ng social media. 

Narito ang ilan sa kanilang hanash sa comment section ng artikulong inilathala ng Balita nitong Miyerkules, Marso 2, tungkol sa isang ulat na nagsasabing dapat umanong magpasalamat si Lenka kay Shaira dahil nag-trend ang kanta nito. 

“Kung nag Collab 🤣 baka Lalo pa mag trend..”

“Y not mas astig pag ganyan.....”

“#Collab nlng silang 2”

“collab nalang sila pata wala nang gulo”

MAKI-BALITA: Lenka, dapat daw magpasalamat kay Shaira

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inlalabas na pahayag ang dalawang panig tungkol sa kanilang posibleng music collaboration.

Sa ngayon, hintay-hintay na lang muna sa mga pwede pang mangyari.

MAKI-BALITA: Kilalanin: Shaira, Reyna ng Bangsamoro Pop