Tila “case solved” na raw ang isyu hinggil sa nag-viral na signage sa Taft Avenue station ng Light Rail Transit-Line 1 (LRT-1), dahil napalitan at naayos na ang maling spelling nito.

Base sa bagong post ng Facebook user na si Annie Rose Laborte nitong Lunes, Marso 18, makikita ang signage ng Taft Avenue sa LRT-1 na:

“E2 Exit

Taft Avenue

Metro

‘Investagation?’ Signage ng Taft Avenue station sa LRT-1, dinumog ng netizens

National Bureau of Investigation.”

Kapansin-pansin ditong naayos at napalitan na ang dating signage na nag-viral at dinumog ng netizens noong Biyernes, Marso 15, kung saan “Investagation” ang nakalagay sa halip na “Investigation.”

Kaugnay nito, matatandaang ilang oras matapos mag-viral ang naturang wrong spelling na signage sa Taft Avenue station noong Biyernes, agad itong tinakpan ng mga empleyado ng LRT-1.

https://balita.net.ph/2024/03/15/wrong-spelling-na-signage-sa-taft-avenue-station-tinakpan-na/

Nagbigay rin ng reaksiyon ang management ng LRT-1 sa pamamagitan ng isang X post noong Biyernes, at sinabing gumagawa na sila ng paraan para baguhin ang naturang signage.

“That one signage might be a little ‘letterally challenged’ sometimes. But rest assured our trains are running smoothly to bring you safely where you need to go,” saad ng LRT-1.

https://balita.net.ph/2024/03/16/letterally-challenged-lrt-1-nag-react-sa-wrong-spelling-signage-sa-taft-avenue-station/