Iginiit ni House Speaker Martin Romualdez na may “punishing schedule” si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang foreign trips matapos ang naging tirada ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na “namamasyal” lang ito sa ibang bansa.
Sa isang pahayag nitong Huwebes, Marso 14, iginiit ni Romualdez na may “punishing schedule” si Marcos sa mga state visit sa ibang bansa.
“The punishing schedule of engagements of President Marcos during these trips underscores his unwavering commitment to serving the Filipino people and promoting our nation's prosperity on the global stage,” ani Romualdez.
“President Marcos's unwavering dedication and tireless work ethic have undoubtedly brought about positive impacts, not only in terms of economic opportunities and in strengthening diplomatic ties but also in creating thousands of job opportunities for Filipino workers,” dagdag pa niya.
Nito lamang Miyerkules, umalma rin mismo si Marcos sa naging banat ni Duterte, at ipinakita ang kaniyang schedule sa kaniyang foreign trip sa Germany.
Nagtungo si Marcos sa Czech Republic nitong Huwebes, Marso 14, para sa kaniyang 2-day visit doon.
Ito ay matapos ang tatlong araw na pagbisita ng pangulo sa Germany, kung saan nakakuha umano siya ng $4 bilyon o ₱220 bilyong halaga ng investment deals.
https://balita.net.ph/2024/03/13/marcos-nakakuha-ng-us4b-investment-agreement-sa-germany/