Sinagot ng singer-actress na si Rachel Alejandro na kung sakaling gawan ng biopic movie si dating Vice President Leni Robredo, papayag ba siyang ganapan ito?

Matatandaang marami kasing nagsasabing magkahawig daw silang dalawa. Nag-viral pa nga ang beach photo ni Rachel kung saan dumagsa ang komentong para silang pinagbiyak na bunga ng dating pangalawang pangulo.

"How would I feel about portraying her in a biopic, ahhh, definitely, kung meron man, count me in, I would love that, ahm, I already played an important historical figure before, I played former First Lady Aurora Quezon, and I would love to play VP Leni Robredo in any film that might be in the works in the future..." saad ni Rachel na mapapanood sa video na inulat ng ABS-CBN News.

Isang fan pa nga raw ang nagbiro sa kaniya habang nasa California, USA siya na nagko-congratulate na sa kaniya in advance, kung sakaling magkakaroon ng biopic movie patungkol kay Robredo.

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

Samantala, nag-react din siya sa viral beach photo niya.

"Reaction ko lang is, wala (natawa), netizens, nakakatawa kayo... I just love it that you know, we Filipinos find the funny in everything, anything and everything... How do I feel being compared to [ex] VP Leni? I admire her, I respect her, I think she's very pretty, so it's definitely a compliment para sa akin, para sabihin na kahawig ko siya, I think 'yong mata eh, 'di ba (natawa) 'yong ano, big eyes," aniya.

MAKI-BALITA: Rachel nag-react sa mga nagsasabing pinagbiyak na bunga sila ni ex-VP Leni