Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na nagkaroon na ng sunud-sunod na pag-ulan sa Region 2 kasunod ng cloud seeding operations ng ahensya.

Ipinaliwanag ng acting head ng DA regional office na si Rose Mary Aquino, matagumpay ang nasabing hakbang matapos makaranas ng pag-ulan sa Iguig, Enrile, at Tuguegarao City sa Cagayan; Sto Tomas, Sta. Maria, Ilagan, Benito Soliven sa Isabela, at Villaros, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Aniya, isinagawa ang cloud seeding operations dahil na rin sa pagsisikap ng DA, Bureau of Soils and Water Management, National Irrigation Administration-Region 2 at Philippine Air Force.

Paliwanag naman ni Paul Vincent Balao, regional corn focal person, nakapagbigay ng ginhawa sa corn farmers ang cloud seeding operations sa Cagayan Valley.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO