Hinikayat ni Senador Risa Hontiveros ang mga Pilipinong gamitin ang aral ng 1986 EDSA People Power Revolution upang magkaroon ang Pilipinas ng mas magandang bukas.

Sa kaniyang pahayag sa ika-38 anibersaryo ng EDSA I, sinabi ni Hontiveros na mahalagang isabuhay pa rin ang diwa ng nangyaring mapayapang rebolusyon.

“Gunitain at isabuhay natin ang diwa ng EDSA People Power. Ayaw na nating maulit ang teribleng pagkakamali ng batas militar at diktadura,” ani Hontiveros.

“Gamitin natin ang leksyon nito para sa isang magandang bukas, lalo na ng susunod na henerasyon,” saad pa niya.

Malacañang, inilabas listahan ng holidays sa 2024; EDSA anniversary, 'di kasama?

Matatandaang noong Pebrero 25, 1986 nang maibalik muli ng mga Pilipino ang demokrasya sa bansa matapos nilang wakasan ang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa pamamagitan ng mapayapang EDSA revolution.

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2023/10/13/op-may-pahayag-sa-di-pagsama-sa-edsa-anniversary-sa-holidays-para-sa-2024/