Pumasok na muli sa PBA Season 48 Commissioner's Cup semifinals ang Ginebra.

Ito ay nang patumbahin ang NorthPort, 106-93, sa kanilang laban sa PhilSports Arena sa Pasig City nitong Biyernes ng gabi. 

Kaagad na umalagwa ang Gin Kings sa second quarter hanggang sa tuluyan nang maiuwi ang panalo.

Naka-double-double si Gin Kings import Tony Bishop sa nakubrang 31 points at 15 rebounds, dagdag pa ang apat na assists at isang steal. 

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sa panig ng NorthPort, nanguna naman sina Joshua Munzon at JM Calma dahil sa nakolektang tig-19 points.

Makahaharap na ng Ginebra ang San Miguel sa best-of-five series.