Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bibisita siya sa Germany sa darating na Marso 12, 2024.

Sinabi ito ng pangulo sa gitna ng courtesy call ni German Federal Foreign Minister Annalena Baerbock sa Malacañang nitong Huwebes, Enero 11.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Marcos na kumpiyansa siyang bubuti ang relasyon ng Pilipinas at Germany pagkatapos ng kaniyang pagbisita sa Berlin.

"I'm sure that, after the visit to Berlin, many things will develop. We will require your presence here more and more," aniya.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Ayon pa sa pangulo, nakipag-ugnayan na rin daw sila sa German Embassy sa Pilipinas para ayusin ang naturang pagbisita.

"I think we have finally managed—with your embassy's staff— we've been driving them a little crazy. We keep moving things because things have been coming up. But I think we have come down on the March 12th, the March 12 date. So I can commit to that now," ani Marcos sa top German diplomat.