Tumaas ang bilang ng mga ipinadalang manggagawang Pinoy sa iba't ibang bansa ngayong 2023.

Ito ang isinapubliko ni Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac at sinabing halos 2.4 milyon ang nailabas na overseas employment certificate (OEC) ngayong taon o halos 18 porsyento ang itinaas kumpara sa nakaraang taon.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Aniya, malaki ang itinaas ng bilang ng migrant worker na sea-based na nasa 608,000 mula sa 554 noong 2022.

Ito ang unang pagkakataong tumaas ang bilang ng mga marinong nabigyan ng go-signal upang maglayag sa buong taon.

Paliwanag ni Cacdac, posible pang tumaas ang deployment dahil sa kawalan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) restrictions at pagbubukas ng ekonomiya ng buong mundo.