Trending topic ngayon sa X (dating Twitter) ang #NoToJeepneyPhaseout sa gitna ng papalapit na December 31 deadline ng franchise consolidation sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Libu-libong mga jeepney driver at operator ang nananawagang huwag ituloy ang deadline ng franchise consolidation dahil marami raw ang maaapektuhan at mawawalan ng trabaho.

“Daan-daang libo ang mawawalan ng kabuhayan sa buong bansa pagdating ng December 31. Samantala, magreresulta rin ng malawakang transport crisis ang pagpupumilit sa programa… Ang pinagsisilbihan lamang ng PUVMP ay ang malalaking negosyanteng lokal at mga dayuhang korporasyon,” pahayag ng transport group na PISTON kamakailan.

Taong 2017 nang simulan ng Department of Transportation ang PUVMP. Ngunit tutol dito ang mga jeepney driver at mga operator dahil masyado umanong mahal ang modern jeepneys na ilang milyon daw ang aabutin.

‘Sa gitna ng nakaambang jeepney phaseout’: Jeepney driver, nagpa-libreng sakay

Samantala, habang sinusulat ito’y mayroon nang 150,000 posts sa X hinggil sa #NoToJeepneyPhaseout.

Makikita sa posts ng netizens ang kanilang pakikiisa sa panawagan ng mga jeepney driver at operator sa bansa. Narito ang ilan sa kanilang mga tweet:

“Sa laban ng tsuper, kasama ang komyuter! Hadlangan ang byaheng impyerno ng pasistang rehimen, ibasura ang Jeepney Phaseout!”

“Ang laban ng mga drayber ay laban din ng mga komyuter!!”

“While the masses and jeepney drivers sacrifice their jobs, their jeepneys, and their holidays just to fight for their jeepneys and their jobs bc the gov't is incompetent. since when did the gov't listen to the masses anyway?”

“Laging sa harap nila ko pinapaupo kasi lagi ako nasakay sa terminal nila papuntang school & halos araw araw ko din naririnig sa kanila ang rants nila, lahat sila sinasabi na hindi nila alam ano nalang magiging trabaho nila pag tapos ng taon.”

“Nagguilty ako mag enjoy lalo na alam ko may mga di alam pano sila magtatrabaho next year.”

“Kahit hilong hilo ako sa mga jeep, isipin pa rin natin ang kinabukasan ng mga tsuper at mga hindi privileged people !!”

“This idea that pain is necessary for progress is the root of so much evil in the Philippines because it's always in favour of the most privileged, and at the expense of the most vulnerable. It's shocking to see how divided Filipinos are on this issue.”

“Natulog, nagpahinga, naging passenger princess, tumawa, umiyak at nagrereview sa loob ng jeep. Saksi ang Jeepney sa pagod, saya at pagsisikap namin bilang estudyante. Ito rin ang naging sasakyan namin para marating namin ang aming mga pangarap.”

“Mulat na mulat na ang mata sa kahirapan, huwag niyo ng pahirapan pa lalo.”

“Ito ay para sa mga biktima ng inhustisya ngayong Disyembre 30.”