Hindi idedeklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Enero 2, 2024 bilang holiday, ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil nitong Biyernes, Disyembre 29.

Sinabi ito ni Garafil nang tanungin ng mga mamamahayag sa Malacañang kung magkakaroon ng deklarasyon na holiday ang Enero 2, o ang araw pagkatapos ng New Year’s Day.

"Wala po," sagot ni Garafil.

Matatandaang idineklara kamakailan ni Marcos ang Disyembre 26, ang araw pagkatapos ng Pasko, bilang special non-working day sa bansa upang magkaroon daw ang bawat pamilya ng sapat na oras para magkasama.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Samantala, idineklara naman bilang regular holidays ang Disyembre 30 (Rizal Day) at Enero 1 (New Year’s Day), habang special non-working day ang Disyembre 31 (Last Day of the Year).