Umarangkada na nitong Biyernes ang test run ng pinaka aabangang web-based application betting platform ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na mas kilala sa tawag na E-Lotto.

Nabatid na ang E-Lotto ay digital version ng tradisyunal na lottery games na ang layunin ay magkaloob ng ligtas, moderno at accessible gaming experience sa mga Pinoy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, ang e-lotto ay isang mahalagang milestone para sa PCSO.

"E-Lotto is a significant milestone for PCSO as we embrace the digital era and cater to the evolving needs of our players," aniya pa, sa isang pulong balitaan.

Dagdag pa niya, "With E-Lotto, players can now conveniently place bets, choose their lucky numbers, and win exciting cash prizes from the comfort of their own homes."

Ayon sa PCSO, ang trial run ay tatagal sa loob ng isang taon.

Sa ilalim nito, maaari nang tumaya online at tumanggap ng panalo, electronically, ang mga parokyano ng lotto.

Maaaring magbayad ng taya sa pamamagitan ng Gcash.

Nakikipag-negosasyon na rin ang PCSO para sa karagdagan pang third-party gateway payments gaya ng mga banko at e-wallets.

Sinabi ng PCSO na pangunahing layunin ng E-Lotto na makapagbigay sa mga manlalaro ng convenience, security, at transparency.

Kumpiyansa naman ang PCSO na ang accessibility ng online platform ay higit na makaaakit ng mas maraming manlalaro, hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa ibayong-dagat, at magreresulta sa pagtaas ng kita na gagamitin naman sa charitable initiatives.

Isa anila sa key advantages ng E-Lotto ay ang kakayahan nitong sugpuin ang paglipana ng ilegal na online number games at tiyakin na ang kita nito ay maire-remit sa kaban ng pamahalaan.

Anang PCSO, maaaring ma-access ang E-Lotto sa pamamagitan ng PCSO website na www.PCSO.gov.ph, at pag- scan sa ibinigay na QR code.

Kailangan ding kumpletuhin ang registration process.

Inaasahan naman ng PCSO na sa susunod na taon, ang E-Lotto application ay maaari nang i-download sa Google Play at iOS platforms.

May be an image of 4 people and text that says 'NEW ANG PABORITO N'YONG LOTTO, ONLINE NA! E-LOTTO HAWAK MO PCSO EPANALO MÃ! REGISTRATION USING WEB icklogin/register. with REGISTRATION USING PHONE PAGE need Ru registration. confirm information clk