May sumpa umano ang pinagmulang pamilya nina Daniel Padilla at Mavy Legaspi ayon kay social media personality Xian Gaza.

Sa Facebook post ni Xian nitong Linggo, Disyembre 3, sinabi niya na ang makakaputol daw sa sumpang ito ay sina Daniel at Mavy lang din.

“Mavy Legaspi ay anak ni Carmina na ex-wife ni Rustom na tiyuhin ni Daniel Padilla. Ito yung sumpa ng hiwalayan na maipapasa hanggang sa ikapitong henerasyon ng kanilang angkan,” pahayag ni Xian.

Kaya sabi niya: “Mapuputol ang sumpa kung magkakatuluyan si DJ at Mavy.”

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Photo courtesy: Screenshot from Xian Gaza (FB)

Matatandaan kasing kinumpirma na ni Daniel at ng ex-jowa niyang si Kathryn Bernardo ang umuugong na balita na hiwalay na sila sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Pati si Mavy at ang jowa niyang si Kyline Alcantara ay pinagsususpetsahan ng mga netizen na hiwalay na rin dahil umano sa isang cryptic post ng huli.

MAKI-BALITA: Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, hinuhulaang hiwalay na rin

Lalong lumakas ang alingasngas tungkol dito noong tila bumwelta rin ang ina ni Mavy na si Carmina Villaroel.

MAKI-BALITA: Carmina may mensahe sa kambal; reaksiyon sa Mavy-Kyline breakup rumors?